Saturday, March 26, 2005

FX Adventure

March 23, 2005.
Sa isang FX, mayroon akong ka-sakay.
At ang sabi nya kay manong...

"magkano po Mindanao (ave.) ufto Cubao?"

Ay...
Pero I think si manong, hindi sha narinig.
Naisip ko, "ah eh, ale! I-correct po natin noh?"
One more time in the place to be...

"magkano po Tandang Sora ufto Cubao?"

Haaay...

Saturday, March 05, 2005

Yahoo, weekend again! Last day of work. Time to blog. Wish I can go to the mall but I want to avoid temptations (sigh). Pero I'm sorry, I can't resist this urge to do an entry about my Annual Physical Exam (APE) adventure, and then some... hehehe... read and enjoy!


APE Adventure

Sa medical exam ko PeopleSupport nung Huwebes ng umaga, pinasagutan saken ng nurse yung form. May fields na "In case of emergency... name.. address... phone number...". OK, so nilagay ko ang pangalan ng nanay at tatay ko. When I returned the form to the nurse, eh di tanungan portion na ng ating palabas. At tanong ng nurse,


"Kaano-ano mo si Liza at Sonny Enriquez?"

"Parents" (sabay sulat ng nurse sa form "PARENTS")

"May mga kapatid kang babae?"

"Meron. 2."

"May mga kapatid kang lalake?"

"Wala."

and the million dollar question was...
"Buhay pa ba ang mga magulang mo?"

I'm sorry, hindi ko kinaya! Well, nagmamadali ako non dahil kelangan ko mag-badminton so sinagot ko na lang sha ng isang makapigil-halakhak na "Oo."


Bread Connection Adventure

Matapos akong tumumba sa pagka-off balance sa paglalaro ng badminton (sige, tawa lang!), sumugod kami ni Garv sa SM. Bread Connection to be exact dahil mamamatay na ko' sa gutom. Ganito lang ka-simple yon... may sign silang ibig sabihin, linisin mo ang pinagtrabahuhan mo. In English?
"Clean as you in. Clean as you out."

Ooooo, kaya nyo yon? Ako HINDE!!! Sha sha... babu! Happy Wacky Weekend!!!