Monday, July 30, 2007

Babala: Huwag basahin mag-isa. Kung mag-isa ka lang talaga, ihanda ang telepono at phone number ng pwedeng makinig sa iyong halakhak. Maghanda na rin ng tissue dahil maiiyak ka. Ala una! Alas dos! Alas tres!...


Frostee Ice Candy

Materials/Ingredients:

Plastic (yung pang-ice candy)
Oishi Sundays Mango
Hinog na mangga
Pitsel
Embudo
Tequila
Shot glass
Iodized Salt
Lemon

Procedure:

Buksan ang Tequila at tikman.

Hiwain ang lemon.

Maglagay ng asin sa kamay, dilaan ito at uminom ng isa pang shot tapos sipsipin ang isang slice ng lemon. Buksan ang Oishi at ilagay sa pitsel. Uminom ng isa pang shot ng Tequila tapos sipsipin ang isang pang slice ng lemon, maglagay ng asin sa kamay at dilaan.

Lagyan ng tubig ang pitsel, haluin, lagyan ng asin ang shot glass at magbuhos ng Tequila dito, hintaying matunaw ang Oishi Sundays Mango sa pitsel. Inumin ang Tequila habang naghihintay. Lagyan ng lemon slice ang pitsel.

Mag-shot ng isa pang Tequila at balatan ang hinog na mangga. Sipsipin ito. Kainin ang kalahati kasi masarap. Durugin ang mangga at ilagay ang mga piraso sa pitsel. Lagyan ng asin ang isang lemon slice at kainin ito. Huminga ng malalim at uminom ng isa pang shot ng Tequila. Hwoosszzh.

Tumingin sa kawalan habang iniiship kung ano ang shushunod na gagawin, uminom ng sha pang shot ng Tequila habang nag-iiship. Lagyan ng ashin ang pitshel, haluin uli.

Tikman ang nasa pitshel at lagyan ng Tequila, kashe kulang sa tapang. Maglagay ng isa pang shot ng bashong maliit sa Quelita at ibigay sa kainuman, ay, wala pala... mag-shmile kashi sa yo uleht ang tagay, inumin ang zhot at tignan nang matagal ang pitshel at magtaka kung pra shaan yun.

Huminga nang malalim at kunen ang embudo at gawing torotot. Tumawa kashe funny yon. hahaha. Maglagay uli ng shotz ng Lequita sa bashow. Ibuhosh sa emdudo habang nasha bibig ito. Pigilin sha chanda romero ang alakh by making faces. Nzharaf! Zharaf when I'm talking to you, Zharaaaf ! ! Zhaar-aaaf ! ! Ahm about to break ! ! hik

Ilagay ang laman ng pishel sa plashtic, ibuhol ang dulo ng plashtic, ay, baliktad, yung kabilang duloh palah, hahaha, inumin ang lahat ng laman ng Quileta at umihyak, kashe wala kang kainuman, inumin ang natitira pang lahman ng putanginang pishtel sa pamamagitan ng embudohbubu. Magyoshi, kashi huuh, laksh tama... ilagay sa freezer ang ashin nang sumusuray at itambak sha lavavo ang lahat (pakshet)... shimutin ang alak at matulog sha mesha... sha shushunod, mag-bayad ng Prosti, eshte, bumili na lang phalah ng Frostee eye candy...

Salamat kay Pareng Ed. :-)

Sunday, July 22, 2007

Bagong Blog

Opo! Obvious, bagong template na ang blog ko... witwiw! Hehe... Anyway, under construction pa. Thank you for your patience and understanding.

This is where your taxes go.

Wehehehe

"Bali"

Isang araw kausap si Prokopya


Prokopya: May realization ako
Ako: Aner?
Prokopya: Alam mo yung tagalog ng "nosebleed" diba?
Ako: Hinde (hehe)
Prokopya: Anu ka ba? Anong level ka nga? 5? At sumusweldo ka ng magkano? Tapos tagalog ng "nosebleed" hindi mo alam?
Ako: (tawa ng tawa)
Prokopya: "Balinguyngoy"!
Ako: Aah talaga? Yun ba yung tagalog non? Parang balisawsaw!
Prokopya: Oo yon. Anyway, diba nga nagkaka-nosebleed ka, or nagkakabalinguyngoy ka dahil nainitan yun ulo mo?
Ako: Oo
Prokopya: ...tapos nagkakabalisawsaw ka naman pag nainitan pwet mo
Ako: O...
Prokopya: Therefore, ang balinguyngoy at balisawsaw ay halaw sa salitang "BALI", ibig sabihin ay "hot"
Ako: Hahahaha
Prokopya: It's so bali here! Ang init dito!
Ako: You're so bali! That's bali!
Prokopya: Ahahahaha!
Ako: Eh pano kung "hottie"?
Prokopya: Uhm... Baliti?
Ako: ...eh diba andun ang mga Kapri?
Prokopya: Hahahahaha!