Para maiba naman...
Isang bagot na bagot na Rui (a.k.a. Meam) ang nagyaya manood ng sine Sabadush pa lang. Ngunits! Nakauwi na kaming lahat sa kanya-kanyang valur, kaya nag-YM conference na lang kami at pinagkwentuhan ang mga naganap nung nasa park kami nung umaga. Natuloy din naman ang sine kahapon ng gabi. Nanood kaming dalawa ni Meam ng Watchmen... haaay, inantok ako. Maraming eksenang kalokohan at hindi na kailangan sa pelikula.
Pagkatapos manood ng sine ay gumow kami sa CBTL para makipagkita kay B'ley. At nung magkakasama na kaming tatlo, umingay ang CBTL (aba natural). Tumodo kami sa chika dahil mashogal na naming hindi nakikita si B'ley. Kwento tungkol sa mga buhay-buhay, tungkol sa mga barkada, tungkol sa mga bakasyon, at kung ano-ano parn. Isa-isang nag-aalisan ang mga tao dahil maingay kami. Kebs!
Napansin naming kaming tatlo na lang ang natitira sa kapihan. At biglang tingin sa relo si Meam.
Rui: "Ay friend... 12:45 na pala!"Haha shonalow! Sinara namin ang kapihan at nagsi-uwi.
B'ley: "Hahahaha!!!! 12:45 na???? Akala ko 11 pa lang. Kaya pala wala nang tao... sabi ko, 'ah baka slow day lang'."
Myls: "Hahahahaha! Matumal!"
Rui: "Hahahaha si bakla... dapat yan ang title ng next blog mo! 'Slow Day'."
Na-miss ko tuloy ang Death By KaCheapan (DBK) namin. Sana makapag-DBK ulit soon... Oo, nagpaparinig ako. Mga utraz, lets gow!
1 comment:
I have one word for you...
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Post a Comment