Tuesday, November 15, 2005

Shopping! Shopping!

Dahil walang gimmick nung Sabader ay naisipan kong magliw-aliw mag-isa at ako ay napadpad sa malayong pook ng Market! Market! First time kong pumunta don at natuwa naman ako. Sino bang hindi natutuwa sa maraming tiangge? Sa sobrang tuwa ko ay napabili ako ng dangling earrings - one pair for B'ley, one pair for Miches... hmm, bibigyan ko sana si Neil at si Tads kaya lang I think hindi bagay. Mbwahahaha...

Bueno, umikot ako ng umikot sa mall pero inabutan ako ng matinding antok (ah eh dahil galing ako ng GY shift) kaya hanggang 2nd floor lang ang nalibot ko. At nakauwi ako sa bahay namin sa liblib na pook ng Novaliches ng (dyandyararaaaaan) 4:45pm. Hehe, para na rin akong nag-double shift and a half.

At ano pang nabili ko? Wala, yung mga earrings lang hehe. Sa dami ng gusto kong bilhin sa Market! Market! yun lang ang naiuwi ko har har. Well it always happens to me. Para itong bibili ako ng mga beaded necklace at pipili ako sa pagkarami-raming beaded necklace na naka-display at wala akong mabibili dahil nakakasawa silang tignan hehe. Don't you experience that? That's one of those things that prevent me from buying anything. Yan ang isa. Ang isa pang reason ay shempre, pag wala nang pera. Pero kung may pera ako, pero nagtitipid at ayoko talagang bumili, I definitely need to be with a guy in a mall. Ha! Sigurado yon, wala akong mabibili non - because I don't shop with guys. Period.

Pero pero, malapit na ang pasko. At siguradong babalik ako sa mall na ito pag nakuha ko na ang 13th month pay ko hehe. For more gastos!

My next stop after Market! Market!... Alabang Town Center ha! Here I come! (mas malayo mas masaya!!!)

No comments: